Pinag-aaralan na ng Philippine National Police (PNP) ang umano’y “Angels of Death” na ginagamit panakot sa mga batang biktima ng pamomolestiya ni Pastor Apollo Quiboloy.
Sa salaysay kase ng mga batang biktima, pagkatapos daw silang gamitin ng pastor, sinasabihan sila na kapag nag-sumbong sila ay hahabulin sila at ang kanilang pamilya ng Angels of Death.
Iniimbestigahan na ngayon ng pambansang pulisya kung ito ba ay “goons” ng pastor o pawang salitang pananakot lang sa mga bata.
Kasunod nito, nanawagan si Fajardo sa mga naging biktima pa ng sexual abuse ni Quiboloy na lumapit sa kanila. Tinitiyak umano ng pulisya ang kanilang kaligtasan at ng kanilang pamilya.
Samantala sa panig naman ng kampo ni Quiboloy, pinabulaanan ni Atty. Mark Tolentino na may goons o private army si Quiboloy.