-- Advertisements --

Pinag-aaralan ng PNP na sampahan ng kasong obstruction of justice si dating pangulong Rodrigo Duterte.

May kaugnayan ito sa pahayag niya na alam niya ang kinaroroonan ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy subalit hindi niya sasabihin.

Ayon kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, na sakaling ito ay totoo ay kanilang sasampahan ng kaukulang kaso ang dating pangulo.

Hindi aniya nakakatuwa ang nasabing pahayag na ito ng dating pangulo dahil ito nagpapakita ng pagtatago sa mga may kaso.

Hindi na aniya siya pastor at isa na siyang pugante.