Pinag-iingat ng Philippine National Police ang publiko laban sa mga naglipanang text scams sa bansa.
Kung maaalala, napaulat na nilalaman ng naturang mensahe ang ilang pagbabanta sa recipient na aarestuhin at sasampahan ng kaso.
Sa isang panayam, tinawag ito ng PNP Anti-Cybercrime Group na warrant of arrest scam.
Tinatakot umano ng mga scammer ang kanilang biktima na mayroon itong existing na kaso sa korte at anumang oras ay kaagad itong aarestuhin ng mga otoridad.
Nasaad din dito ang ilang pangalan ng Philippine National Police, opisina ng PNP at ilang mga salitang subpoena o warrant.
Ayon sa pamunuan ng Philippine National Police, malinaw na hindi ito totoo dahil narin sa mali-maling grammar at di tamang impormasyon.
Posible rin aniya na target ng mga sindikatong ito ang mga indibidwal na mayroong existing na kaso sa korte.
Pinayuan naman ng PNP ang publiko na huwag matakot at manatiling vigilant .