-- Advertisements --
Inihayag ni Philippine National Police (PNP) PIO Chief at Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, na nagbigay na ng direktiba si PNP Chief Police Gen. Rommel Francisco Marbil na paghandaan ang posibleng epekto ng paparating na bagyong Marce.
Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PBGen. Fajardo, na tuloy-tuloy ang koordinasyon ng pambansang pulisya sa mga Local Goverment Units partikular na sa mga lugar na inaasahang tatamaan ng bagyo.
Nakahanda na rin umano ngayon ang pwersa ng PNP sakaling magkaroon ng preemptive evacuation.
Samantala, umaapela naman ang PNP sa publiko na naninirahan sa mga lugar na bahain at may posibilidad ng pagbaha na paghandaan na ang paglikas.