-- Advertisements --

Walang patid ang Philippine National Police sa pagsasagawa ng mga hakbang para mapigilan ang pagtaas ng bilang ng kaso ng dengue sa kanilang hanay.

Ito ang binigyang diin ni PNP Public Information Office Chief Colonel Randulf Tuaño.

Aniya, batay sa datos ay pumalo na sa 27 pulis ang nagkaroon ng sakit na dengue ngayong kasalukuyang taon.

Ang numerong ito ay mas mataas kumpara sa naitalang 12 na kaso noong nakalipas na taon sa parehong panahon.

Sa datos ng PNP, naitala ang mga kasong ito mula sa Region 5, Region 8, Region 13, at maging sa National Capital Region.

Kaugnay nito ay pinayuhan ni Tuaño ang mga kapwa pulis na mag-ingat sa pamamagitan ng pagsusuot ng mahabang damit, gumamit ng insect repellant at iba pang mga pamamaraan.