-- Advertisements --

Pinag-iingat ng pulisya ang mga local commanders sa mga natatanggap na donasyon at pinayuhan ang mga ito na magsagawa ng akmang background check.

Ginawa ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo ang paalala kasunod ng ulat na lumutang kung saan ay sinagot umano ni suspended Bamban Mayor Alice Gou ang mga kagamitan ng Bamban Municipal Police Station.

Ito ay nangyari noong hindi pa umano alkalde si Gou.

Ayon kay Fajardo, bukas ang PNP sa mga donasyon na magmumula sa probadong sektor, mga indibidwal o organisasyon bastat walang makokompromiso.

Bukas din aniya ang pulisya sa mga donasyon na makakapagpahusay sa paghahatid ng PNP ng serbisyo para sa publiko.

Ayon kay Fajardo, tinitingnan na rin kung ang mga donasyon ng suspendidong alkalde ay ginawa at sumailalim sa tamang paraan at may kaukulang Memorandum of Agreement at Deed of Donation.

Kung wala aniyang iregularidad sa mga ito ay hindi naman dapat bigyan ng malisya ang mga natanggap na donasyon.

Paalala ng opisyal sa mga local commander na maging mapanuri sa lahat ng mga nag-aalok ng tulong.