-- Advertisements --
Pinayuhan ng PNP Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) ang mga negosyante na palakasin ang ilang mga kagamitan ng kanilang mga security guards.
Sinabi ni PNP-SOSIA Director PBGen. Gregory Bogñalbal na ang nasabing pag-upgrade ng mga kagamitan ng mga guwardiya ay may malaking tulong sa mga establishimentong binabantayan.
Ilan sa mga ibinahagi nito ay ang pagkakaroon ng karagdagang kaalaman ang mga guwardiya sa pakikipaglaban sa mga kriminal.
Karamihan aniya sa mga madaling pasukan ng mga kriminal ay ang mahinang kagamitan ng mga negosyanteng inilalaan sa mga guwardiya.