-- Advertisements --

Pinayuhan ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na kung maaari iwasan mag post sa social media ng kanilang mga kinaroroonan o ang tinatawag na #ATM post lalo na kung uuwi ang mga ito sa probinsiya.

Layon nito para maiwasan na mabiktima ng krimen gaya ng pagnanakaw, akyat-bahay, kidnapping at iba pang uri ng krimen.

Ayon kay PNP deputy spokesperson PSupt. Kimberly Molitas ang kanilang paalala ay para makaiwas sa anumang krimen na posibleng mangyari.

Dagdag pa ni Molitas na kung maaari ay iwasan din ang paglalive-stream sa social kaugnay sa kanilang lokasyon at aktibidad ngayong pasko at bagong taon.

Dagdag pa ni Molitas, nasa full alert status ngayon ang PNP ngayong holiday season para siguraduhin na maging maayos at mapayapa ang pagdiriwang ng pasko at sa pagsalubong sa bagong taon.

Tiniyak din ng PNP ang police visibility ngayong holiday season.