-- Advertisements --

Isang malaking tulong para sa mga kapulisan ang naisipang paraan ng Quezon City Government na bigyan ng pagkilala o reward ang mga kapulisan na mahigpit na nagpapatupad ng health protocols at curfew.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Brigadier General Ildebrandi Usana na isang moral boosters sa mga kapulisan ang pagbibigay ng pagkilala ng mga LGU.

Paglilinaw naman nito na walang kapalit ang mga trabaho ng mga kapulsan.

Nauna rito iminungkahi ng Quezon City Government ang pagbibigay ng incentives gaya ng solar lights o plake sa mga outstanding PNP stations na mayroong malalaking accomplishments.

Sa inisyal ay mabibigyan ng mga rattan sticks ang mga kapulisan.

Magugunitang ilang lugar sa Quezon City ang inilagay sa localized lockdown dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.