Plano ngayon ng Philippine National Police (PNP) na pabuksan sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang ilang mga opisyal na napatay sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasunod ito sa naging rebelasyon ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) chief Royina Garma sa Quad Committee ng Kamara na sangkot ang isang aktibong pulis sa pagpaslang noon kay Tanauan City Mayor Antonio Halili.
Ang alkalde ay binaril umano ng sniper noong Hulyo 2018 habang ito ay nasa flag raising ceremony.
Sinabi ni Garma na isang “Albotra” ang nagkuwento sa kaniya at ipinagyabang pa nito.
Sinabi pa ni PNP Spokesperson PBGen Jean Fajardo, na isa lamang ang kaso ni Halili ang pinabubuksan bukod pa sa ilang mga kaso ng mga government officials na nasangkot sa war on drugs.