-- Advertisements --

Nais ng Philippine National Police (PNP) na patawan ng lifetime ban sa pagbili ng mga armas sa sinumang lalabag sa election gun ban.

Sinabi ni PNP chief General Rommel Marbil, na isasangguni nila ito sa mga mambabatas para sa mga lalabag ng gun ban ng Commission on Elections (COMELEC).

Ang nasabing panukala ay matapos ang naganap na pamamaril sa tatlong katao dahil sa awayan sa trapiko na naganap sa lungsod ng Antipolo.

Noong Enero 12 ng sinimulan ng PNP ang pagpapatupad ng nationwide gun ban para sa May 12, local and national election.

Layon ng gun ban na matiyak ang kapayapaan at mabawasan ang karahasan sa nalalapit na halalan.