Pormal nang naghain ng reklamo ang Philippine National Police (PNP) sa Depatment of Justice (DOJ) laban sa mga taong sangkot sa pagkawala ng mga sabungero.
Sinampahan ng kasong kidnapping at serious illegal detention ng mga sabungero ang siyam na katao at anim na iba pang hindi pa nakikilala.
Sa isang statement, sinabi ng DOJ ang insidente ay nagmula sa pagkawala ng mga biktimang sabungero noong Enero 13 matapos na magtungo ang mga ito sa Manila Arena upang sumali sa anim na Cock Stag Derby.
Pinangalanan ng kagawaran ang mga respondents sa naturang reklamo na sina Julie Aguilar Patidongan alias “Dondon”, Mark Carlo Evangelista Zabala, Virgilio Pilar Bayog, Roberto Guillema Matillano Jr., Jonas Alegre Alingasa, Johnry Recapor Consolacion, Herolden Alonto, Gler Cudilla, at isang alias “Sir Chief”, at “John Does”.
Ayon sa DOJ, ang mga kinasuhan na mga miyembro ng security personnel ng Manila Arena ay sinasabing nagsabwatan umano ang mga ito nang pumunta sila sa cock house na kinaroroonan ng mga biktima ay sapilitang isinakay sa isang gray na van.
Hindi naman sinabi ng kagawaran kung ilan sa 34 na mga nawawalang sabungero ang iniulat na kinidnap at iligal na ikinulong ng security personnel ng Manila Arena.