-- Advertisements --
ILOILO CITY – Magsasagawa na rin ng imbestigasyon ang Iloilo Police Provincial Office (IPPO) sa nangyaring sunog sa Pagdugue, Dumangas, Iloilo na ikinamatay ng titser at tatlong menor de edad nitong mga anak.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Col. Gilbert Gorero, director ng IPPO, sinabi nito na nakahanda sila makipagtulungan sa Bureau of Fire Protection (BFP) upang mapanagot ang umano’y suspek sa nasabing pangyayari.
Aniya kung arson case, ang BFP ang may primary responsible sa kaso.
Napag-alaman na kinumpirma mismo ng regional director ng BFP sa Western Visayas na si Atty. Jerry Candido na sinadya ang pagsunog sa nasabing bahay.