Walang balak ang Philippine National Police (PNP) bawasan ang kanilang mga isalation,quarantine facilities kahit patuloy sa pagbaba ang kaso ng Covid-19 sa kanilang hanay.
Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander PLt. Gen. Joselito Vera Cruz, patuloy nilang i-maintain ang mga nasabing facilities, bilang paghahanda sakaling magkaroon muli ng surge o pagtaas ng kaso.
Sinabi ni Vera Cruz, malaking porsiyento pa kasi sa populasyon ng bansa ang hindi pa nabakunahan laban sa Covid-19 kaya may posibilidad na mag mutate pa ang virus.
Ang Camp Crame ay mayruong pitong quarantine/isolation facilities na may 560 bed capacity.
Sa kabuuan nasa 125 isolation/quarantine facilities na mina-mantene ngayon ng PNP sa ibat-ibang regional police offices nationwide.
” Maintain pa rin Anne at we will never know when is the next surge considering that a big percentage of our population is still unvaccinated. Alam naman natin hanggang meron unvaccinated, may chance na mag mutate ang virus at magkaroon ng new variant or strain,” mensahe ni PLt. Gen. Vera Cruz sa Bombo Radyo.
Sa ngayon, nasa 0.25% ang bed occupancy rate ng PNP sa kanilang mga quarantine at isolation facilities nationwide.
Samantala, batay naman sa datos ng PNP Health Service (HS) tatlong Covid-19 cases ang naitala ngayong araw.
Nasa 66 naman ang kabuuang active cases at may 25 naitalang new recoveries.
Sinabi ni Vera Cruz, ang tatlong bagong kaso na naitala ay mula sa Police Regional Police Offices (PROs). Ito ay sa PRO-4B, PRO-10 at PRO-11.
Patuloy din na pina-alalahanan ng PNP ASCOTF ang kanilang mga personnel na striktong sundin ang minimum public health standard.