-- Advertisements --

LA UNION – Agad nagtalaga ang liderato ng Philippine National Police (PNP) ng bagong regional director sa Police Regional Office (PRO-1) na nakabase sa Fernando City, La Union.

Ito ay sa katauhan ni Brig. Gen. Rodolfo Azurin Jr. na siyang kahalili ni Brig. Gen. Joel Orduña na nakatakdang magretiro sa araw ng Lunes, Mayo 11.

Inaasahang gaganapin ang turnover ceremony ngayong araw din sa PRO-1 grounds ng Camp Brig. Gen Oscar M. Florendo, San Fernando City, La Union.

Agad inaprubahan ang bagong appointment ni Azurin dahil mahalaga ang ginagampanang papel ng mga otoridad sa paglaban sa COVID 19.

Si Azurin ang director ng PNP Maritime Group (MARIG) bago itinalagang police regional director sa rehiyon uno.

Si Gen. Orduña naman ay naging regional director noong April 25, 2019 mula sa pagiging hepe ng PNP Aviation Security Group.