-- Advertisements --

Nanindigan ang Police Regional Office 11 (PRO 11) na isang simulation ang natunghayan ng publiko na deployment ng maraming mga police sa Davao International Airport (DIA).

Halos sumabay kasi ito sa naging pahayag ni dating PRRD habang siya ay nasa Hong Kong na mayroon na siyang arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court(ICC).

Sa isang statement, nanindigan ang Davao Region PNP na isang Simulation Exercise (SIMEX) ang naturang deployment na isinagawa ng Regional Mobile Force Battalion 11 (RMFB 11).

Ayon sa pulisya, bahagi ito ng isinasagawang 100-day operational procedures, bilang paghahanda sa nalalapit na 2025 National and Local Elections (NLE).

Ayon pa sa pulisya, ang naturang drill ay na-disensyo para mapalakas ang kahandaan ng mga law enforcer sa paghawak ng iba’t-ibang scenario tulad ng mga banta sa seguridad ng halalan, emergency situation, atbpa.

Hinimok naman ng PRO-11 ang kooperasyon ng publiko na pina-iiwas ang mga ito sa pagpapakalat ng mga impormasyong hindi-beripikado na maaaaring magdulot ng pagkabahala o pagka-alarma ng publiko.

Hinikayat din ng PNP ang publiko na huwag basta maniwala sa mga kumakalat na impormasyon at i-verify muna ang mga ito bago mag-share sa mga social media page.