-- Advertisements --

Itinalaga bilang acting Director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si PNP region 11 Regional Director Police Brigadier General Nicolas Torre III.

Kinumpirma ito ni Torre, kung saan magiging epektibo ang kaniyang panunungkulan sa CIDG ngayong Setyembre 25, 2024.

Naging matunog ang pangalan ni Torre sa isinagawang ilang araw na operasyon sa paghahanap sa puganteng si Pastor Apollo Quiboloy.

Papalitan ni Torre si CIDG chief Police Major General Leo Francisco.