Nasa full alert status ngayon ang buong Philippine National Police (PNP) sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) kasunod ng car bomb explosion sa Lamitan, Basilan na ikinasawi ng 11 government security forces, kabilang ang ilang sibilyan.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay PNP Spokesperson S/Supt. Benigno Durana, kaniyang sinabi na lahat ng resources ng PNP ay pagaganahin para mahuli at maparusahan ang nasa likod ng insidente.
Kaisa din umano ang PNP at ang sambayanang Pilipino sa pagkondena sa nasabing terroristic activity.
Nagluluksa din ang PNP sa pagkamatay ng kanilang mga kasamahan na mga government security personnel.
kaugnya nito, pinaigting na rin aniya ng PNP-ARMM ang kanilang mga checkpoints sa rehiyon.
Ayon naman kay C/Insp. Jemar Delos Santos, spokesperson ng PNP-ARMM, binalaan ang mga pulis na nagmamando ng checkpoint na maging alerto at mapagmasid lalo na kapag iisa ang sakay sa sasakyan.
Pinalakas din ng PNP ang kanilang intelligence monitoring and sharing of information sa kanilang AFP counterpart.