-- Advertisements --
CEBU CITY – Patuloy pang iniimbestigahan ng PNP ang nangyaring pananambang sa isang radio brodkaster sa Brgy. Piapi sa lungsod ng Dumaguete.
Patay ang radio bloctimer na si Dindo Generoso, 67 anyos, at residente ng Brgy. Banilad ng nasabing lungsod.
Sa nakalap na impormasyon mula sa Dumaguete City, napag-alaman na habang bumabyahe si Generoso sa Hibbard Avenue sakay ng kanyang sasakyan, dumating ang ‘di nakilalang riding in tandem suspeks saka binaril ang biktima nang makailang beses.
Nagtamo ng mga tama ng bala sa kanyang katawan si Generoso na nagbunsod sa agaran nitong pagkamatay.
Nagpapatuloy pa ngayon ang Dumaguete City PNP sa follow-up investigasyon kasunod ng naturang pananambang.