-- Advertisements --
Inilagay na sa full alert status ang puwersa ng pulisya sa Luzon at Visayas dahil sa Bagyong Tisoy.
Ayon kay PNP OIC Lt.Gen. Archie Gamboa mahalaga ang pagtaas ng alert status ng sa gayon mas mapabilis ang deployment sa mga lugar na mangangailangan ng tulong.
Kasama sa mga lugar na mahigpit na binabantayan ay ang mga sporting venues sa SEA Games.
Nasa full alert status din ang PNP SAF, Maritime, HPG at mga Regional at Provincial Mobile Force Battallion.
Maliban sa pagtulong sa Preemptive evacuation ay naka pre-deploy na rin ang mga disaster response assets ng PNP.
Inatasan din ni Gamboa ang lahat ng mga Local Police na makipag ugnayan sa mga local government units sa kanilang areas of responsibility.