Patuloy na pina-alalahanan ng pamunuan ng PNP Administrative Support for Covid-19 Task Force (ASCOTF) ang lahat ng kanilang personnel na striktong sundin ang Minimum Public Health Standard (MPHS) gaya ng pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay, at physical distancing sa kabila na nagkakaroon na ng downtrend sa kanilang Covid-19 active cases.
Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander PLt.Gen. Joselito Vera Cruz, mahalaga pa rin na sumunod sa health and safety protocols para maiwasan na ma-infect ng nakamamatay na virus kahit fully vaccinated na ang isang indibidwal.
Sinabi ni Lt.Gen. Vera Cruz na malaking bagay ang halos 100% na ng kanilang personnel ang bakunado laban sa Covid-19 kaya mabilis din gumaling ang mga ito sa sakit lalo na yung mga asymptomatic.
” Malaking bagay talaga Anne na mataas ang vaccination rate namin sa PNP. Pero importante pa din yung strict observance ng MPHS kase nga vaccines cannot give us 100% protection,” mensahe ni Lt.Gen. Vera Cruz sa Bombo Radyo.
Batay naman sa datos mula sa PNP Health Service, mahigit isang linggo nang mas mataas ang bilang ng mga bagong gumagaling kumpara sa mga bagong nagkakasakit.
As of January 27,2022 nasa 496 na mga tauhan ng PNP gumaling sa sakit.
Nasa 218 naman ang naitalang bagong kaso ngayong araw, kung saan 12 dito mula sa NHQ; NASU-11; NOSU-80 at 115 naman sa mga Police regional offices.
Nananatili ang bilang ng mga nasawi sa 126.
Nasa 2, 043 na lang ngayon ang aktibong kaso ng COVID 19 sa PNP.
Samantala, sinabi ni Vera Cruz nasa 8.57% o nasa 48 na lang ang bed occupancy rate ngayon sa kanilang quarantine, treatment facicilities sa loob ng Camp Crame.