Binalaan ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde ang mga pulitikong kumukuha ng mga private security escorts.
Ayon kay Albayalde, kailangang dumaan ito sa tamang proseso at may approval sa Commission on Elections (Comelec).
Paliwanag ni Albayalde, hindi basta-basta ang pagkuha ng bodyguard ng isang pulitiko.
Inaalam na rin ng PNP ang mga pulitikong nagmamay-ari ng security agency at may mga baril na expired ang mga lisensiya.
Iniimbestigahan na rin ng PNP kung sino ang mga pulitikong nagmamay-ari ng mga unauthorized security agency.
Sinabi ni Albayalde, malaki kasi ang posibilidad na magagamit ang mga loose firearms ngayong panahon ng halalan.
Kaya ngayon pa lamang aniya ay may mga hakbang ng ginagawa ang PNP para maiwasan ang anumang karahasan.
Nasa 5,000 loose firearms na ang nakumpiska ng PNP sa buong bansa.