Nananawagan ang Pambansang Pulisya sa publiko na huwag matakot lalo na sa mga deboto at nagsisimba sa Quiapo church sa kabila ng magkakasunod na pagsabog sa nabanggit na lugar.
Ayon kay PNP chief police Director General Ronald dela Rosa na walang dapat ipag-alala ang mga deboto at mga magsisimba dahil may sariling security arrangement ang pamunuan ng Quiapo na ipinapatupad at regular silang nakikipag-ugnayan sa Manila Police District (MPD).
Sinabi ni PNP chief na sa katunayan ay pinapatay ang cellphone signal sa simbahan ng Quiapo na bahagi ng security measures na ipinapatupad.
Pabiro naman sinabi ni Dela Rosa na iurong na lamanv sa Huwebes ang simba sa Quiapo dahil alam na ng lahat na Biyernes dinaragsa ang nabanggit na lugar.
Dagdag pa ng heneral na asahan na rin ng publiko ang paghigpit ng seguridad sa lugar.
Hiling ng PNP na makipagtulungan ang publiko sa ipapatupad na seguridad.