Umapela ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na iwasan muna ang mag lakwatsa kahit nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) na ang Metro Manila.
Ang apela ng PNP ay bunsod sa pagdagsa ng mga tao sa mga malls matapos simulan ang implementasyon ng MECQ sa kalakhang Maynila.
Ayon kay JTF Covid Shield Commander Lt.Gen. Guillermo Eleazar na para sa ekonomiya ang pagbubukas ng ilang mga negosyo.
Sinabi ni Eleazar na ang mga walang mahalagang lakad ay hindi pa rin dapat lumabas ng bahay.
Maliban lamang sa mga papasok sa trabaho at mga dati nang Authorized Persons Outside Residence (APOR).
Pakiusap ng PNP na dapat ay sumunod ang publiko sa mga Health Protocols upang makaiwas sa paglaganap ng COVID 19.
Giit ni Eleazar, nakapanghihinayang na mapupunta lahat sa wala ang pinagpaguran ng lahat sa implementasyon ng ECQ kung hindi susunod ang lahat sa Social Distancing at pagsusuot ng Face Mask at baka magkaroon tayo ng Second Wave ng COVID 19.
Inatasan na ang lahat ng mga Station Commanders na i-monitor ang mga malls sa kanilang nasasakupan upang sumunod sa mga itinakdang Health Protocols Kung hindi ay irekomendang ipasara ang mga ito.