-- Advertisements --

Hinimok ng Philippine National Police-Human Rights Affairs Office (PNP-HRAO) ang publiko na agad isampa sa korte ang reklamo laban sa mga pulis na umano’y lumalabag sa karapatang-pantao.

Ayon kay PNP Directorate for HRAO Pol. C/Supt. Dennis Siervo, hindi dapat na ihatag agad sa media kung mayroon talagang reklamo laban sa pulis kundi mas maganda na isampa agad sa husgado.

Samantala sa tala ng PNP-HRAO, bumababa diumano ang mga kaso ng mga pulis na sangkot sa human rights violations.

Hindi naman nagbigay ng comparative statistics ang PNP-HRAO
para maihambing sa nakalipas na mga taon sa parehas na panahon upang masabi na bumababa nga ang mga human rights cases sa bansa sa panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kasagsagan ng kampanya laban sa iligal na droga.