-- Advertisements --
firecrackers

Hinimok naman ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na kuhanan ng video at ireport sa barangay o sa mga otoridad kung may naitalang mga indiscriminate firing sa kanilang mga lugar.

Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Bernard Banac mahigpit na ipinatutupad ng PNP ang mga kaso ng indiscriminate firing kaya mananagot ang sinuman na gagawa ng ganitong hakbang.

Sinabi ni Banac hindi lang mga Pulis at iba pang Law Enforcement Agencies ang target ng kampanya ng PNP na BAWAL MAGPAPUTOK NG BARIL kundi pati mga civilian.

Agad naman kakanselahin ng PNP ang License To Own and Possess Firearms o LTOPF at Permit To Carry Firearms Residence o PTCFOR ng sinumang license gun owner na magpapaputok ng baril sa pagsalubong sa bagong taon.

Binigyang-diin din ng heneral na ngayon pa lamang may mga pulis na mag-iikot sa mga barangays para tiyakin na walang mga kababayan natin na magpapaputok.

Ang sinumang magtatangka ay agad sisitahin ng mga pulis.

Hinimok din ang publiko na habang sinasalubong ang Bagong Taon ay manatiling naka-alerto at mapagmatyag.