Bagamat may mga naitalang ilang insidente sa unang araw ng pagpapatupad ng Comelec gun ban at filing ng certificate of candidacy (COC), sa pangkalahatan, mapayapa ito ayon sa pambansang pulisya.
Ayon kay PNP Spokesperson CSupt. John Bulalacao na batay sa kanilang data tatlong minor incidents ang naitala isa sa Cadiz City, sa Bulacan at ang nangyaring enkwentro sa Batangas at ilang paglabag sa gunban.
Giit pa ni Bulalacao na walang naitalang mga mabigat na pangyayari kahapon ng magsimula ang election period.
Aniya, naging maganda ang takbo ng peace and order situation kahapon hanggang ngayon.
Pina-aalalahan naman ng PNP ang mga gun owners na huwag na dalhin sa labas ang kanilang mga armas dahil suspendido na ngayon ang Permit To Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR).
Umapela naman ang PNP na isuko ang mga armas lalo na kung expired na ang kanilang mga lisensiya dahil itinuturing na itong loose firearms.