-- Advertisements --
All set na ang Philippine National Police (PNP) sa pagbibigay seguridad sa Bangsamoro Organic Law (BOL) plebiscite sa darating na Miyerkules, Pebrero 6 sa Lanao del Norte at North Cotabato.
Ayon kay PNP chief Oscar Albayalde, nasa 3,209 dagdag na pulis ang ide-deploy sa mga nasabing probinsiya para i-secure ang nasa 588 polling centers sa mga lalawigan.
Sa Martes, nakatakda namang isagawa ang ceremonial send-off ceremony sa mga dagdag na tropa sa Cagayan de Oro City.
Makakatuwang ng mga nasabing pulis ang mga sundalo para matiyak na mapayapa at maayos ang plebisito.
Personal namang magtutungo sa Lanao del Norte si PNP chief para personal na pangasiwaan ang ipapatupad na seguridad bagama’t wala namang namo-monitor na banta ang pulisya.