Nakalatag na ang security plan na ipapatupad ng PNP para sa nalalapit na 2019 midterm elections.
Kasama na rito ang nakatakdang filing ng certificate of candidacy (COC) na magsisimula sa darating na Huwebes, Oktubre 11 hanggang Oktubre 17.
Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, kanya nang inatasan ang mga hepe ng iba’t ibang Directorate for Police Operations (DIPO) sa buong bansa para pangasiwaan ang kanilang binuong mga special operations task group na siyang tututok sa lahat ng mga election issues, gaya ng mga election violent incidents.
Batay sa datos ng PNP, halos 8,000 mga barangay sa buong bansa ang tinukoy na kabilang election hotspots at karamihan dito ay matatagpuan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Nais ni PNP chief na ngayon pa lamang ay gumagana na ang special operations task group sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.