Kinumpirma ng Philippine National Police na problema sa electrical wiring ang naging dahilan ng pagkasunog ng isang gusali sa loob Camp Crame.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Randulf Tuano, nasunog ang ballistic testing area ng Forensic Group Office dakong alas 5:30 ng hapon kahapon.
Naging mabilis naman ang pagresponde ng fire unit ng Headquarters Support Service sa loob ng Camp Crame .
Sumuporta rin dito ang mga bumbero na nagmula naman sa lokal na pamahalaan ng Quezon City at San Juan City.
Ang sunog ay tumagal ng halos 23 minuto bago tuluyang naapula.
Ikinatuwa naman ng pamunuan ng PNP ang ulat na walang nasawi o nasugatan matapos ang insidente.
Tinayakang aabot sa mahigit 300k ang halaga ng pinsala dahil sa pagsiklab ng apoy.