-- Advertisements --

Inihayag ng Philippine National Police na batay sa report ng Bureau of Immigration, wala pang indikasyon na nakalabas na ng Pilipinas si Suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, maging ang mga kasamahan nito na pinaghahanap din ay hindi pa rin nakakalabas sa bansa.

Una nang iniulat na may arrest order na si Guo mula sa Senado matapos nitong hindi daluhan ang mga pagdinig hinggil sa ni-raid na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Bamban.

Isinampa rin ang arrest order laban sa kaniyang mga kapatid na sina Sheila Leal Guo, Wesley Leal Guo, Jian Zhong Guo, Seimen Guo at ang hinihinalang ina nito na si Wen Yi Lim.

Nagbabala si Fajardo na may kakaharapin ding kaso ang mga tumutulong na itago si Guo at ang mga kapwa nito akusado.