-- Advertisements --
PNP PRO6
PNP Pro6/ FB photo

ILOILO CITY – Sinibak na sa puwesto ang tatlong mga pulis sa lungsod ng Iloilo na umano’y nagwala sa isang disco bar sa J.M. Basa St., lungsod ng Iloilo.

Ang nasabing mga pulis ay nakilala lang sa kanilang mga apelyido na sina P/CMSgt. Dinggal; P/SMSgt. Mallorca at P/SSgt. Maboque.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay P/Lt. Col. Joem Malong, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-6, sinabi nito na binawi na rin ang mga service firearms ng nasabing mga pulis.

Sa ngayon aniya, pinagbawalan na rin ang naturang mga pulis na pumasok sa vicinity ng PRO-6.

Una nang naglabas ng executive order si Presidente Rodrigo Duterte kung saan pinagbawalan nito ang mga pulis na maglasing at gumawa ng iskandalo sa mga club o pampublikong lugar.