Sinimulan na ng Philippine National Police ang paghahanda para sa pagdaraos ng halalan sa susunod na taon ayon kay PNP chief Gen. Rommel Marbil.
Kaugnay nito, magpapatupad ang pambansang pulisya ng mga measure gaya ng paglalagay ng mas maraming checkpoints, pagsasagawa ng mas marami pang police operations at pagsasagawa ng mga programa para pataasin ang kamalayan ng publiko at mahikayat silang ireport ang mga kahina-hinalang aktibidad.
Kasunod na rin ng direktiba na magtatalaga ng 85% ng kapulisan sa field o lansangan, magpapakalat din ang PNP ng karagdagang resources at tauhan sa natukoy na election areas of concern.
Kabilang din ang pagpapatupad ng checkpoints at pagpapatrolya sa critical areas, pagpapaigting ng intelligence operations laban sa private armed groups at illegal drug trade at pagpapatupad ng mas mahigpit na hakbang ng PNP-Civil Security Group and the Firearms and Explosives Office para ma-account ang lehitimo at loose firearms sa high-risk areas.
Samantala, hinimok din ng PNP chief ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormayson na makakatulong para matunton at madakip ang mga sangkot sa mga ilegal na aktibidad.