-- Advertisements --

Sisimulan na ngayong araw March 15,2021 ang roll-out ng nasa 700 doses ng Astrazeneca vaccines na ibinigay ng gobyerno para sa Philippine National Police (PNP).


Ayon kay PNP OIC Chief Lt Gen. Guillermo Eleazar, bukod sa rollout ng Astrazeneca vaccines, sisimulan din ang pagturok sa second dose ng nasa 1,200 Sinovac vaccine.

Itoy matapos nakuha na ng PNP ang ikalawang dose na ituturok para sa 1,196 PNP Health Care Workers.

Ayon kay Eleazar ang 700 doses ng Astrazeneca vaccine ay ituturok para duon sa mga natitirang health care workers kabilang ang non-medical staff at isolation facilities.

Giit ni Eleazar ang Astrazeneca vaccine ay para lamang sa mga PNP Health care workers sa Metro Manila.

Paliwanag ng Heneral sa 700 doses na inilaan sa PNP 350 lamang ang matuturukan dahil ang 350 na iba ay ang second dose nito.

Priority sa AstraZeneca vaccination, ay ang mga senior citizen health care workers.

Sa datos ng PNP Health Service, ngayong araw March 15,2021 nasa 51 na mga health care workers ang nag register subalit 30 lamang ang nabakunahan ngayong araw.

Nasa 12 naman ang No-Go lima ang for screening habang apat ang for vaccination.

Wala naiulat na may nagkaroon ng adverse reaction sa bakuna.