Tinitingnan na rin ng Philippine National Police ang posibilidad na may koneksyon ang pagpatay kay dating PCSO Official Wesley Barayuga sa kaso rin ng pagpaslang kay Tanauan City Mayor Antonio Halili.
Ayon sa PNP, mayroong posibilidad na iisang grupo lamang ang trumabaho sa dalawang opisyal ng gobyerno.
Sa isang pahayag, sinabi ni PNP Public Information Office Chief, PBGen. Jean Fajardo, sa ngayon ay patuloy ang kanilang pangangalap ng mahahalagang impormasyon upang matukoy kung ito ba ay konektado.
Kung maaalala, sa nakalipas na pagdinig ng Quad Comm, nabunyag na mga pulis rin ang sangkot sa naturang magkahiwalay na krimen.
Ani Fajardo, ang kasong ito ay maituturing na isang sensational case kaya ayaw pa nitong pangunahan ang imbestigasyon.
Mandato naman ng Criminal Investigation and Detection Group ang halungkatin ang naturang mga kaso ng pagpatay .