-- Advertisements --

loop: security guards // holiday season // tao // publiko // PN-SOSIA Acting chief PBGEN Gregory Bogñalbal

Nagbabala ngayon sa lahat ng mga security guards sa bansa ang PNP Supervisory Office for Security and Investigation Agencies laban sa pakakasangkot ng mga ito sa indiscriminate firing ngayong holiday season.

Ito ay matapos na makapagtala ang naturang yunit ng Pambansang Pulisya na mayroong ilang mga security guards ang dawit sa indiscriminate firing habang tumutupad ng kanilang tungkulin.

Dahil dito ay nagbaba ngayon ng direktiba si PNP-SOSIA Acting chief PBGEN. Gregory Bogñalbal sa pamamagitan ng isang memorandum order na nag-aatas sa lahat ng mga private security personnel sa bansa na palaging sumunod sa mga itinakdang safety protocols hinggil sa tamang paghawak ng baril.

Kaugnay nito ay nagbabala rin ang naturang opisyal sa mga posibleng kaparusahang ipataw sa sinumang mapapatunayang lumalabag sa naturang kautusan tulad na lamang ng pagkansea sa kanilang mga lisensya at pagsasampa ng kasong kriminal laban sa kanila.

NP-SOSIA, nagbabala vs security guards na masasangkot sa indiscriminate firing ngayong holida season