Nilinaw ngayon ng Philippine National Police (PNP) na supporting role lang daw ang gagampanan ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa pag-aresto kay Sen. Antonio Trillanes IV.
Ayon kay PNP Spokesperson S/Supt. Benigno Durana, “ballgame†ng AFP ang pagdakip kay Trillanes dahil ang senador ay nahaharap sa court martial na may sariling proseso alinsunod sa military justice system.
Paliwanag ni Durana na ang mga CIDG operatives na nasa Senado ay naroon para tiyakin na ang paghuli kay Trillanes, at kanila umanong isasagawa ito sa pamamagitan ng “lawful means.â€
Papasok lang aniya ang PNP sa eksena kung maglabas ng warrant of arrest ang korte, na aniya ay tungkulin nilang ipatupad.
Tiniyak naman ni Durana na kung PNP man o militar ang mag-arresto kay Trillanes, sisuguraduhin nila na isasakatuparan ito ng naayon sa batas at may pagrespeto sa dignidad ng mambabatas.
“I was not privy to the discussion but I am sure there was a thorough coordination between the AFP and PNP that’s why our presence in the senate is just to assist our counterparts,” pahayag ni Durana.