-- Advertisements --

Target umano ng PNP na maging crime-free ang cyberspace ng Pilipinas at ginagawa umano ng PNP ACG ang lahat para matupad ang kanilang misyon.

Natutuwa si PNP chief police Director General Ronald dela Rosa dahil satisfied umano siya sa performance ng PNP Anti-Cybercrime Group sa pangunguna ni Sr. Supt Marni Marcos Jr, Acting Dir PNP ACG.

Sinabi ni Dela Rosa na ang specialized unit ng ACG ang lumalaban ngayon sa mga cyber criminals.

Pahayag ni PNP chief sa modernong teknolohiya tulad ng internet, sinasamantala umano ng mga cybercriminals ang cyberspace at ginagamit sa kanilang iligal na aktibidad tulad ng kidnapping at illegal drugs.

Pinangunahan ni PNP chief ang ikaapat na national summit on cybercrime ngayong araw.

Kaalinsabay ito ng ikaapat na taon ng anibersaryo ng pagkakatatag ng PNP ACG o Anti-Cybercrime Group.