-- Advertisements --

 
Target ng Philippine National Police (PNP) na makamit ang 100% vaccination sa kanilang hanay bago pa magtapos ang taon.

Batay sa datos ng PNP Health Service (HS) nasa kabuuang 131,326 or 57.97% percent PNP personnel nationwide ang fully vaccinated na laban sa Coronavirus disease habang nasa 80,809 or 36.32% ang naghihintay na maturukan ng second dose ng kanilang vaccine.

Inihayag ni Eleazar na as of September 17, nasa 10,506 or 4.72% police personnel na lamang ang hindi nababakunahan.

Iniulat naman ni PNP chief na nadagdagan pa ng isang personnel ang nasawi dahil sa Covid-19 infection kung saan sumampa na sa 113 ang Covid-19 fatalities ng Pambansang Pulisya.

Ang nasawi ay isang 35 year-old policeman, naka-assigned sa Central Luzon.

Batay sa report, nuong September 15, nakaranas ang nasabin pulis ng pananakit ng dibdib at hirap makahinga dahilan para agad siya dalhin sa pinakamalapit na hospital subalit dahil puno ang mga hospital bed hindi ito na-admit.

Bandang alas-9:38 ng umaga ng nasabing araw isinugod ito sa hospital subalit idiniklarang patay ng attending physician.

Batay sa medical records nito, nagpositibo sa Covid-19 ang pulis at nabatid na siya ay diabetic.

Fully vaccinated naman siya nuong August 4,2021.

Nagpa-abot naman ng pakikiramay si PNP chief sa pamilya ng nasabing pulis.

Paalala ni Eleazar sa mga kapulisan na mag-ingat pa rin kahit fully vaccinated na at patuloy na palakasin ang pangangatawan.

Ang PNP-HS ay nakapagtala ng 197 bagong Covid-19 cases.

Nasa 2,584 ang active cases ngayon sa PNP at nakapagtala sila ng 224 new recoveries.