Target ng PNP makamit ang “zero incident†ng indiscriminate firing ngayong bagong taon.
Ayon Kay PNP Chief PDGen. Oscar Albayalde, natuto na ang mga pulis sa paulit ulit na paalala tungkol sa pagbabawal ng pagpapaputok ng kanilang Service firearms sa pagdiriwang ng bagong taon.
Nagpahayag naman ng kasiyahan si Albayalde na noong nakaraang taon ay naka-“zero incident†na ang PNP at inaasahan niyang maulit ito sa darating na bagong taon.
Ipinakita na aniya ng mga pulis na responsable sila sa paggamit ng kanilang mga armas kaya hindi na kailangang Selyohan o lagyan ng tape ang kanilang mga baril tulad ng ginagawa ilang taon na ang nakalipas.
Bukod dito, sinabi ni Albayalde, na hindi siya pabor sa pagseselyo dahil nagmumukha lang katawa-tawa ang mga pulis na kailangang tanggalin muna ang tape sa baril bago ito gamitin kung may lehitimong pangangailangan.
Pero kung meron parin aniyang pasaway na mga pulis, Ito’y agad na irerelieve sa pwesto kasama ng kanyang immediate supervisor, sasampahan ng administratibong kaso, at kung mapatunayang May-sala, sisibakin sa serbisyo.