Naka depende sa desisyon at kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magiging hakbang ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa rekumendasyon ng joint peace panel ng PHL government at NDFP na 15 araw na ceasefire.
Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Bernard Banac, sa ngayon hindi pa ito pormal na announcement dahil hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag ang Pang. Duterte.
Sinabi ni Banac, sakaling aprubahan ito ng pangulo at ipapasakatuparan, susunod ang PNP at susuportahan ang magiging pasya ng kanilang commander-in-chief.
Inihayag din ni Banac, na wala pa silang natatanggap na official communication hinggil sa joint statement ng peace panel.
Sa ngayon, mananatili sa mataas na level ang ang antas ng security para mapigilan ang anumang planong pag -atake ng mga komunista at teroristang grupo lalo na ngayong pasko at bagong taon.
“Ang nais naman natin dito sa panahon ng pasko ay makapagdiwang ang ating mga kababayan ng maayos at mapayapa na walang karahasan,” pahayag ni Banac.