-- Advertisements --

Hinihintay pa ng Philippine National Police (PNP) kung ano ang magiging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa naging desisyon ng Supreme Court (SC) hinggil sa Oplan Tokhang.

Sa inilabas kasi na resolution ng SC, inatasan nito ang PNP na ilabas ang mga datos kaugnay sa nasabing kampanya.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, hindi pa niya nababasa ang nasabing desisyon at kung mayroon man, ipinauubaya na nila ito sa Office of the Solicitor General.

Nanindigan si Albayalde na lehitimo ang mga ikinasa nilang operasyon at seryoso sila sa pag-iimbestiga sa mga napapatay dito.

May mga nasampahan naman aniya ng kaso at kasalukuyan nang nililitis sa korte kaya mali na sabihing pinapatay ang mga natotokhang.

Mahigpit ding direktiba ni Albayalde sa mga pulis na maging mabusisi ang imbestigasyon kaya’t handa nilang ipagtanggol ang mga operasyon sa tamang forum tulad ng Korte Suprema kung kailanganin.