-- Advertisements --

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na dadaan sa tamang proseso at irerespeto ang karapatang pantalo kapag sumuko na si religious lider Pastor Apollo Quiboloy.

Sinabi ni PNP chief Rommel Marbil na marapat na sumuko na si Quiboloy at natitiyak niyang magiging ligtas ito.

Giit din nito na walang anumang paglabag ang PNP ng isilbi nila ang warrant of arrest ng pastor noong Hunyo 10.

Magugunitang nahaharap si Quiboloy sa kasong sexual abuse at human trafficking.