Tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na kanilang bibigyang ng standard security package ang mga kanidato sa national elections sa pagsisimula ng campaign period ngayong araw, February 8, 2022.
Ayon kay PNP chief General Dionardo Carlos, handa na ang latag ng kanilang seguridad para matiyak na magiging mapayapa ang panahon ng kampanya hanggang sa eleksyon.
Para matiyak na mananatilig apolitical, maingat anya sila sa pagbibigay ng security detail.
Mananatili lang umano ang mga pulis sa campaign activity pero kapag tapos ng activity ay aalis na ang mga pulis.
Paliwanag pa ni Carlos, susunod sila sa Comelec resolution bilang deputized agency.
Samantala, kanya namang sinabi na magkakaroon muli sila ng pulong sa Comelec para sa final instructions sa gagawin ng mga pulis sa eleksyon.