Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na magiging ligtas at magpapatupad ng seguridad ang kanilang mga yunit upang matiyak na magiging ligtas ang lahat ng mga biyahero, mga nagmamaneho man o komyuter sa kani-kanilang paglalakbay ngayong Semana Santa.
Ayon kay Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) Spokesperson Lt. Dame Malang, inaasahan ang matinding dagsa ng mga biyahero ngayong linggo ng Semana Santa para sa mga papasok at lalabas ng Metro Manila.
Aniya, tuloy-tuloy na ang deployment ng kanilang hanay sa mga lansangan hanggang Summer Vacation 2025 na siya rin aniyang direktiba ni PNP Chief General Rommel Francisco Marbil.
Tiniyak din ni Malang na patuloy na magpapaabot ng updates ang kanilang yunit para mairaos ng mabuti ang obserbasyon ngayon ng Holy Week.
Samantala nauna na dito ay nagsagawa na ng inspeksyon ang kanilang yunit sa mga bus terminals at ilang pangunahing lansangan ng Metro Manila.
Paliwanag ni Malang, layon ng inspeksyon na matiyak na hindi well-documented at legal ang mga bus na siyang babiyahe at maghahahatid sa mga pasahero sa kanilang mga destinasyon.
Samantala, tiniyak rin ni Malang ang magiging kooperasyon ng HPG sa mga lokal na pamahalaan at local police force para sa kaayusan at kaligtasan ng inaasahang dagsa ng publiko ngayong linggo.
Sa ngayon ay mananatiling naka-high alert naman ang PNP ngayong Lenten Season para mapanatili ang kaayusan ng bansa sa panahon na ito.