-- Advertisements --

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang tulong at suporta sa ikalawang bugso ng Bayanihan Bakunahan ng gobyerno sa pamamagitan ng pagbibigay seguridad.


Ayon kay PNP Chief Police Gen. Dionardo Carlos, kagaya ng mga nakalipas na bakunahan, magpapakalat sila ng sapat na pwersa para masiguradong maayos ang bakunahan.

Sinabi ni Carlos na bukod sa pagbibigay seguridad, agpapadala rin sila ng mga vaccinator para umagapay sa mga medical frontliner ng Department of Health (DOH).

Nabatid na gagawin ang susunod na National Vaccination Days sa December 15, 16 at 17 sa mga lugar na hindi tatamaan ng Bagyo.

Layon nito para makapagbakuna ng pitong million na Pilipino para mapataas pa ang population protection ng bansa.