Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na naaayon sa “new normal” ang latag ng seguridad sa mga binuksan nang tourist destinations ngayong buwan.
Ito’y kasunod na rin ng pagbubukas ng ilang mga sikat na tourist destinations gaya ng Boracay sa Aklan, Baguio City at Tagaytay.
Ayon kay PNP Spokesman Col. Ysmael Yu, handa na ang kanilang mga Tourist Police para tanggapin ang mga dayo sa kani-kanilang areas of responsibility.
Pero nilinaw nito na limitado pa rin ang tinatanggap na mga Turista sa nasabing mga lugar.
Mahigpit pa ring paiiralin ang minimum health protocols dito lalo’t nananatili pa rin ang banta ng COVID 19.
Ilang buwan ding sumabak ang mga Pulis bilang frontliners para sa COVID 19, pero sinabi ni Yu na hindi na ito bago sa kanilang gawain lalo’t dati naman na nila itong ginagawa.