-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Naglabas ng abiso ang Police Regional Office (PRO-10) sa publiko na asahan na umano ang maraming pulis na makikita sa mga lansangan.

Ito ay may kaugnayan sa unang araw ng “Philippine Industrial Summit” na mangyayari sa PHIVIDEC Industrial Authority (PIA) sa Tagoloan, Misamis Oriental.

Sinabi ni PRO-10 spokesperson Lt Col Mardy Hortillosa na nakahanda na sila sa ipapatupad na mahigpit na seguridad sa pagdating ng mga international delegates at mga bigtime businessmen na lalahok sa naturang aktibidad.

Aniya, mayroon ng iilang mga delegado ang nakarating na rin kahapon pa.

Napag-alamang si Presidente Rodrigo Duterte ay dadalo sa naturang summit ngunit hindi na ibinunyag ng PNP ang tamang petsa sa pagdating ng pinakamataas na opisyal ng bansa na ngayon ay nasa South Korea.