-- Advertisements --
DILG SEC ANO
Interior and Local Government Secretary Eduardo Año

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang buong suporta kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año bilang pansamantalang tagapamuno ng organisasyon.

Iginagalang din ng PNP ang desisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte bilang kanilang commander-in-chief.

Inatasan kahapon ng Pangulo si Secretary Año na pamahalaan muna ang hanay ng Pulisya habang wala pang napipiling permanenteng PNP chief.

Ayon kay PNP OIC Lt Gen. Archie Francisco Gamboa, batid ng kalihim ang lahat ng galaw patungkol sa PNP bilang kasalukuyang tagapamuno ng NAPOLCOM.

Giit ni Gamboa nasa mainam na posisyon ang Kalihim para gampanan ang utos sa kaniya ng Pangulo na magtimon sa hanay ng Pulisya.

Sa ngayon naghihintay lamang ng guidance at instructions ang PNP mula sa kalihim.

“As Chairman NAPOLCOM, Sec Ano is in the top hierchy of the PNP chain of command and is in the best position to cascade the strategic direction of the Commander-in-Chief upon the PNP,” pahayag ni Lt.Gen. Gamboa.Año.