-- Advertisements --

GPH

Tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang buong suporta sa peace process na nilagdaan ng gobyerno at MNLF.

Siniguro ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang kanilang tulong sa Government of the Philippines (GPH) Coordinationg Committee sa kanilang mga peace initiatives sa ilang political based organizations sa Mindanao.

Layon nito para mapanatili ang kapayapaan sa nasabing rehiyon.

Kahapon bumisita sa Kampo Crame ang mga miyembro ng GPH-MNLF Coordinating Committee, sa pamumuno ni Undersecretary Arthur Tabaquero.

Kung saan nagkaroon ng maikling pagpupulong ang mga opisyal ng GPH-CC at ang liderato ng PNP.

Kasama sa naturang pulong sina GPH Undersecretary Cesar Yano, Chairman Security Subcommittee/Member; Brigadier General Buenaventura C. Pascual (Ret.), Chairman of Community Healing and Reconciliation Subcommittee/Member; Assistant Secretary Andres S. Aguinaldo Jr., Chairman of Socio-Economic Subcommittee/Member; Assistant Secretary Agripino G. Javier, Chairman of Confidence Building Subcommittee/Legal Asviser at Director Hana Jill G. Gallardo, Head Secretariat, GPH Coordinating Committee.
Sa panig naman ng PNP, dumalo din sa nasabing pulong ang mga opisyal ng PNP Command Group, sina The Deputy Chief for Administration Lt.Gen. Joselito Vera Cruz, TCDO Lt Gen. Ephraim Dickson at TDCS Lt. Gen. Dionardo Carlos.

Kabilang sa mga issues and concerns na tinalakay sa nasabing pulong ay ang pagbitbit ng mga armas ng mga miyembro ng nasabing organisasyon habang sila ay bumibiyahe at nagsasagawa ng recruitment activities, pag-aangkin ng mga teritoryo at iniwagayway ang kanilang bandila.

“As officers of the law, we have seen the ugly face of war and conflict that has caused misery and stalled development and progress in many part of the country. By all means, let’s give peace a chance,” pahayag ni Eleazar.

Binigyang-diin ni Eleazar na ang teamwork at cooperation ay susi para mapagtagumpayan ang misyon at mga responsibilidad ng mga partido sangkot sa peace process.

Giit ni PNP Chief na bilang mga alagad ng batas, tungkulin nilang maproteksiyunan at mabigyan ng tunay na seguridad ang bawat mamamayan sa hangarin na makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa mga conflict areas Mindanao.

” Alam ko na malaki ang maitutulong ng GPH-MNLF Coordinating Committee upang magawan ng ibat ibang pamamaraan, programa at proyekto kung paano natin mapapanatili ang kaayusan at katahimikan sa Mindanao”, dagdag pa ni Eleazar.

Ang GPH-MNLF Coordinating Committee ay binuo nuong 2019 para mapalakas pa ang koordinasyon at ugnayan ng gobyerno at MNLF lalo na sa pagpapanatili sa kapayapaan sa Mindanao partikular sa probinsiya ng Sulu.